--Ads--

Bagsak-presyo ngayon ang presyo ng palay dahil umano sa pagdami ng imported na bigas sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ernesto Subia, Presidente ng Rice Millers Association Region 2, sinabi niya na noong kakaunti pa lamang ang imported rice sa bansa ay nasa 2,300 pesos ang presyo ng straight mill na bigas sa Maynila subalit ngayon ay nasa 1,900 pesos na lamang kaya hindi nila mailabas ang kanilang mga stocks dahil malulugi sila kung sakali.

Pinuna nito ang labis na pag-import ng bigas ng pamahalaan na isinabay sa panahon ng anihan. Dapat din nasa 35% din aniya ang taripa upang map-protektahan ang mga lokal na magsasaka.

Aniya, tsaka lang dapat bumili ng bigas sa ibang bansa ang Pilpinas kung talagang wala nang ani ang mga magsasaka.

--Ads--