Arestado ang isang 23-anyos na magsasaka na matagal nang pinaghahanap ng batas matapos masilbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa Brgy. Dianao, Cauayan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad upang ipatupad ang warrant of arrest laban sa suspek na residente ng Cauayan City.
Nahaharap ito sa kasong Serious Physical Injuries at may nakatakdang piyansa na nagkakahalaga ng ₱10,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa kustodiya ng Cauayan Component City Police Station para sa tamang disposisyon at pagharap sa hukuman.
Samantala, muling pinaalalahanan ng pulisya ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso na kusang humarap sa korte upang maiwasan ang mas mabigat na pananagutan sa batas.











