Hindi pinascore ng France ang Iraq sa kanilang paghaharap sa group I stage sa pamamagitan ng magandang depensa at opensa.
Unang nakalamang ang France, 1-0, laban bago ang halftime matapos kontrolin ang 1st half at makabuo ng break na nagresulta sa isang long-range goal ni Kylian Mbappé.
Patuloy na naging banta si Mbappé sa depensa ng Iraq sa pamamagitan ng sunod-sunod na atake, habang nahirapan naman ang Iraq matapos ang maagang yellow card at ang hindi inaasahang pag-alis ni Aymen Hussein.
Lumamang pa ang France, 2-0, matapos makaiskor si Kylian Mbappé ng kanyang ikaapat na goal sa torneo.
Mula sa loob ng penalty area, tinapos niya nang maayos ang mababang tira matapos ang magandang assist ni Ousmane Dembélé.
Lumobo ang lamang ng France sa 3-0 matapos iselyo ni Ousmane Dembélé ang kanilang ikatlong goal.
Galing sa maayos na build-up at sa magandang assist ni Michael Olise sa loob ng penalty area, at tinapos ni Dembélé sa isang right-footed shot para sa kanyang unang goal sa torneo.
SAMANTALA Nakapagtala ang Norway ng mahirap ngunit mahalagang 3-2 panalo laban sa Senegal sa kanilang laban sa FIFA World Cup 2026.
Unang nakalamang ang Norway, 1-0, bago ang halftime sa pamamagitan ng goal ni Marcus Holmgren Pedersen na pumasok bilang substitute. Sa kabila ng ilang pagkakataong nalikha ng Senegal, hindi nila nabasag ang depensa ng Norway sa unang kalahati.
Pagbalik mula sa halftime, pinalaki ni Erling Haaland ang kalamangan sa 2-0 matapos ang isang mahusay na pagtatapos mula sa assist ni Martin Ødegaard, na naging ikatlong goal niya sa torneo.
Nakabawi ang Senegal nang bawasan ni Ismaila Sarr ang agwat sa 2-1 mula sa assist ni Sadio Mané. Gayunman, muling lumayo ang Norway nang maitala ni Haaland ang kanyang ikalawang goal sa laban para sa 3-1 na iskor matapos ang mahusay na pasa ni Patrick Berg.
Hindi sumuko ang Senegal at muling nakapuntos si Sarr para sa 3-2 mula naman sa assist ni Nicolas Jackson, ngunit hindi na sila nakahabol hanggang sa huling whistle ng referee.
Dahil sa panalo, nakapagtatag ang Norway ng matibay na puwesto sa group stage, habang nanatiling walang puntos ang Senegal sa torneo.











