--Ads--

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Davao Occidental dakong 7:34 ng gabi nitong Hunyo 26.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 90 kilometro timog-kanluran ng Balut Island, Sarangani, sa lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity V sa Kiamba, Sarangani, habang Intensity IV naman sa Don Marcelino at Santa Maria sa Davao Occidental.

Naramdaman din ang Intensity III sa Lungsod ng Davao at Matanao, Davao del Sur, at Intensity II sa Digos City, Davao del Sur, gayundin sa Monkayo, Mawab, at Maragusan sa Davao de Oro.

--Ads--

Intensity IV naman sa Malungon, Maitum, Kiamba, at Maasim sa Sarangani, gayundin sa Tupi at Koronadal City sa South Cotabato.

Intensity III ang naramdaman sa Santa Maria, Davao Occidental; Tampakan, South Cotabato; at Palimbang, Sultan Kudarat.

Intensity II naman sa Magsaysay, Davao del Sur; Norala, Banga, Santo Niño, at Surallah sa South Cotabato; Lebak, Isulan, Kalamansig, at President Quirino sa Sultan Kudarat.

Intensity I ang naitala sa Magpet, M’lang, at President Roxas sa Cotabato, gayundin sa Columbio at Esperanza sa Sultan Kudarat.

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang posibleng epekto ng lindol, kabilang ang aftershocks at pinsala sa mga imprastruktura. Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS.