--Ads--
Nagkukumahog ngayon ang mga rescuers sa Venezuela para mahanap ang ilang mga survivors matapos ang pagtama ng dalawang magkasunod na lindol.
Nasa 1,430 na ang kumpirmadong nasawi kung saan mayroon pang mahigit 51,000 katao ang pinaghahanap.
Hinahabol ng mga rescuers ang 72 hours na survival window kaya umaasa sila na makahanap pa ng mga survivors.
Magugunitang tumama ang magkasunod na magnitude 7.2 at 7.5 na lindol nitong araw ng Miyerkules sa coastal area ng La Guaira.
--Ads--
Pinasalamatan ni acting President Delcy Rodriguez ang iba’t-ibang mga bansa na nagpadala ng kanilang mga rescue groups para tumulong.









