Nakipagpulong si Finance Secretary Frederick Go sa mga executives ng Copenhagen Infrastructure Partners o CIP upang mapabilis ang pagpapatupad ng Offshore Wind Power Project sa Camarines Sur.
Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ni Go na sa oras na matapos ang proyekto, inaasahang ito ang magiging kauna-unahang offshore wind farm sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia. Kakayanin nitong mag-produce ng 901 megawatts ng kuryente.
Ipinaliwanag ni Go na ang pagpapaunlad ng offshore wind energy ay napakahalaga upang mapatibay ang pangmatagalang seguridad sa enerhiya ng bansa at maisulong ang mga layunin sa kalikasan at kaligtasan.
Idinagdag pa ng kalihim na sa kasalukuyan, ang mga global companies ay aktibong naghahanap ng renewable energy para patakbuhin ang kanilang mga operasyon at matugunan ang kanilang mga commitment para sa kanilang mga customer. Dahil dito, kinakailangan umanong maging handa ang Pilipinas na tugunan ang ganoong uri ng pangangailangan.






