--Ads--

Planong ipatawag ng House Prosecution panel na ipa-subpoena si Vice President Sara Duterte para obligahing tumestigo sa presentasyon ng ebidensiya sa impeachment article kaugnay ng grave threats allegations, ayon kay counsel for the prosecutors Atty. Lorna Kapunan.

Sinabi ng abogado na layunin ng prosekusyon na maghain ng request para sa subpoena sa loob ng 11 trial days na nakalaan para sa presentasyon ng ebidensiya para sa artikulo kwatro.

Ayon kay Atty. Kapunan ang naturang request ay ihahain sa Martes alinsunod sa procedures ng korte at sasamahan ito ng legal memoranda mula sa depensa at prosekusyon.

Sinabi naman aniya ni Trial Presiding officer Francis Escudero sa prosekusyon na kaniyang pagpapasyahan ang naturang request sa oras na pormal nang maghain ng request ang panel ng written motion.

--Ads--

Samantala, inihayag naman ni prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa na kapag pinatawag ang bise presidente para tumestigo, posibleng hindi lamang limitado sa grave threats article ang magiging testimoniya ng pangalawang pangulo.