--Ads--

Umabot na sa 17 katao ang nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Inday at habagat, ayon sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD).

Batay sa ulat ng OCD ngayong Sabado, 10 sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, lima ay mula sa Lanao del Sur na pawang biktima ng pagguho ng lupa, habang dalawa naman ay mula sa Bukidnon.

Naitala rin ang siyam na kataong nawawala, kung saan anim ang mula sa Lanao del Sur at tatlo ang mula sa Sarangani.

Gayunman, nilinaw ng OCD na patuloy pang sumasailalim sa beripikasyon ang mga nasabing bilang.

--Ads--

Samantala, tinatayang nasa 112,000 pamilya mula sa 404 barangay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo at habagat.