Muling dumalo ang actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa Paris Fashion Week at Rome Fashion Week matapos ang bahagyang health scare na nagdala sa kanya sa ospital halos dalawang linggo na ang nakalipas.
Ayon kay Heart, mas magiging maingat na siya ngayon at pipiliin lamang ang mga mahahalagang fashion events na kanyang dadaluhan.
Sa Paris, ipinakita rin ni Heart ang ilan sa kanyang mga alahas na siya mismo ang nagdisenyo gamit ang iba’t ibang gemstones. Nakita rin siyang nagsusukat ng gown para sa kilalang French designer na Stephane Rolland.
Bago ang kanyang medical emergency, dumalo rin si Heart sa ika-75 anibersaryo ng Max Mara sa Shanghai, China, kung saan nakasama niya ang ilang international celebrities kabilang sina Katie Holmes at Michelle Yeoh.










