Dumating sa Sandiganbayan Third Division si Senador Rodante Marcoleta ngayong Miyerkoles, Hulyo 15, upang dumalo sa pagdinig kaugnay ng kinakaharap nitong kasong plunder.
Mula sa Philippine National Police (PNP) General Hospital, dinala ang senador sa korte matapos siyang sumailalim sa isang independent medical examination sa UP-Philippine General Hospital (UP-PGH), alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan upang masuri kung kinakailangan pa niyang manatili sa ospital.
Nananatiling naka-confine si Marcoleta sa PNP General Hospital mula nang maaresto noong Hulyo 6 dahil sa mga iniulat na karamdaman kabilang ang mild pneumonia at mataas na presyon ng dugo.
Nag-ugat ang kasong plunder sa umano’y hindi pagdedeklara ng senador ng P75 milyong campaign donations noong 2025 midterm elections.
Kasama rin sa mga akusado sa kaso sina dating Congressman Mike Defensor, Aristotle Viray, at Joseph Espiritu.











