--Ads--

Binatikos ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang umano’y pananahimik ng mayorya ng Senado matapos bawiin ng prosekusyon ang tatlo sa mga artikulo ng impeachment laban sa Bise Presidente.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara spokesperson Salvador Paolo Panelo Jr. na nakapanghihinayang ang umano’y pag-aaksaya ng pondo ng publiko para sa impeachment proceedings.

Tinataya ni Panelo na umabot sa humigit-kumulang ₱500 milyon ang gastos sa mga pagdinig para sa dalawa lamang sa mga impeachment article, hindi pa kabilang dito ang iba pang gastusin.

Ayon sa tagapagsalita, dahil sa pagbawi ng prosekusyon sa tatlong artikulo, nawalan ng pagkakataon ang Bise Presidente na magharap ng ebidensya at hingin ang kanyang pagpapawalang-sala sa impeachment court ng Senado.

--Ads--

Kinuwestiyon din ni Panelo ang kawalan umano ng pagtutol mula sa mga senador ng mayorya, at iginiit na maaari sanang nagamit ang oras at pondo para tugunan ang mahahalagang pangangailangan ng bansa.