--Ads--

Inamin ng actress na si Kyline Alcantara na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon mahigit isang taon matapos ang hiwalayan nila ni Kobe Paras.

Sinabi ng aktres na nananatili ang kanyang paniniwala sa pag-ibig ngunit mas pinipili muna niyang magpokus sa trabaho at sa sarili.

Aminado rin si Kyline na natatakot pa siyang masaktan muli kaya sinusunod niya ang payo ng kanyang pamilya na huwag magmadali sa pakikipagrelasyon at kilalaning mabuti ang isang tao bago mahulog ang loob dito.