--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records ang isang higanteng ceramic piggy bank sa Ráquira, Colombia bilang pinakamalaki sa buong mundo.

Ang alkansiyang matatagpuan sa Mano del Artesano – Pueblito de Barro ay may taas na halos 30 talampakan, haba na halos 34 talampakan, at bigat na tinatayang 30 tonelada.

May gumaganang hulugan ito ng barya para sa mga donasyon sa lokal na animal shelters at maaaring pasukin ng mga turista upang makita ang gallery ng kasaysayan ng ceramic piggy banks at isang viewing deck.

Opisyal na kinilala ang estruktura matapos itong masukat gamit ang satellite technology at makapasa sa coin-drop test ng Guinness World Records.

--Ads--