--Ads--

Iginagalang ni Batangas Governor at beteranang aktres na si Vilma Santos-Recto ang anumang magiging desisyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kaugnay ng pagpili ng mga bagong National Artist ngayong taon.

Sa kabila ng mga panawagang kilalanin siya bilang National Artist for Film and Broadcast Arts, sinabi ni Santos na nagpapasalamat siya sa mga nagsusulong ng kanyang nominasyon ngunit handa niyang tanggapin kung hindi man siya mapili.

Ayon sa aktres, hindi nakasalalay sa anumang parangal ang kanyang kasiyahan dahil mas mahalaga para sa kanya ang pamilya, kalusugan at pagkakataong makatulong sa kapwa.

Samantala, bukas din si Santos sa posibilidad na makatrabaho si Vice Ganda sa isang pelikula kung may tamang proyekto at magandang istorya. Inamin din niyang nais pa rin niyang makabalik sa pag-arte at umaasang maisakatuparan balang araw ang proyektong inihahanda para sa kanya ng National Artist na si Ricky Lee.

--Ads--