--Ads--

Hindi nagpapahinga kahit weekend si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y mga ghost infrastructure projects sa Taguig City upang matiyak na mabubunyag ang buong katotohanan sa isyu.

Patuloy na isinusulong ni Lacson ang pagsisiyasat sa mga proyektong pinagdududahang hindi naman naisakatuparan sa kabila ng inilaan umanong pondo para rito.

Ayon sa senador, mahalagang mapanatili ang momentum ng imbestigasyon upang hindi maantala ang pagkalap ng mga ebidensya at impormasyon na makatutulong sa paglilinaw ng mga alegasyon.

Binigyang-diin ni Lacson na layunin ng kanilang imbestigasyon na maabot ang lohikal na konklusyon ng kaso at matukoy ang mga posibleng managot kung mapatutunayang may naganap na iregularidad.

--Ads--

Patuloy naman ang pagbusisi ng senador sa mga dokumento at iba pang impormasyong may kaugnayan sa isyu habang inaasahan ang mga susunod na hakbang sa isinasagawang imbestigasyon.