--Ads--

Nakapagpakawala ng matinding ratsada si Filipina tennis star Alex Eala matapos pabagsakin si Zheng Qinwen ng China sa kanilang Round of 32 match ng 2026 Mubadala DC Open sa Washington, D.C.

Matapos mabigo sa unang set, nagpakita ng matatag na pagbawi si Eala at nanaig sa iskor na 4-6, 6-4, 6-1 upang makausad sa Round of 16 ng prestihiyosong WTA 500 tournament.

Nagkaroon ng mahigpit na bakbakan sa unang dalawang set bago tuluyang nangibabaw ang 21-anyos na Filipina sa ikatlong set sa pamamagitan ng sunod-sunod na panalong games na hindi na nasagot ng Chinese netter.

Malaking panimula ito para kay Eala sa kanyang kampanya sa Washington Open, kasunod ng kanyang makasaysayang naging pagtakbo sa Wimbledon ngayong taon.

--Ads--