--Ads--

Dalawang wanted person ang naaresto sa magkahiwalay na law enforcement operations na isinagawa ng iba’t ibang unit ng Santiago City Police Office (SCPO) sa Santiago City, Isabela.

Sa unang operasyon, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit bilang lead unit at Police Station 4 ang isang 34-anyos na lalaki, walang asawa at residente ng Nueva Vizcaya.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property.

Samantala, sa ikalawang operasyon, matagumpay namang naaresto ng City Mobile Force Company (CMFC) bilang lead unit,katuwang ang Police Station 3, ang isa pang wanted person sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong serious physical injuries.

--Ads--

Batay sa rekord ng pulisya, inilabas ang warrant of arrest noong Hulyo 13, 2026, na may inirekomendang piyansa ng korte na nagkakahalaga ng 36,000 pesos para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pinaalalahanan ang dalawang naarestong suspek sa kanilang mga karapatan alinsunod sa umiiral na batas bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.

Inihahanda naman ang mga ito para sa pagharap sa korte na nagpalabas ng kani-kanilang warrant of arrest.