--Ads--

Nagsasagawa ng masusing pagsusuri ang Traffic Enforcement Unit ng Santiago City sa mga naitalang aksidente upang matukoy ang mga lugar na madalas pinangyayarihan ng insidente at makabuo ng mga hakbang para mapabuti ang kaligtasan sa mga kalsada.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr., hepe ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City, sinabi niyang pinag-aaralan ng kanilang tanggapan ang bawat naitalang kaso upang matukoy kung may kaugnayan ang mga aksidente sa pagkakamali ng mga sangkot o sa kondisyon ng kalsada.

Kabilang sa kanilang ginagawa ang pagmamapa sa mga lokasyon ng aksidente upang matukoy ang mga lugar o sitwasyong posibleng nag-aambag sa mga insidente.

Binigyang-diin din ni PMaj. Aggabao ang kahalagahan ng kumpleto at napapanahong datos at wastong dokumentasyon upang magkaroon ng sapat na batayan ang pagsusuri.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas matutukoy ng mga awtoridad ang mga pangunahing panganib sa mga lansangan at makapaglatag ng mga konkretong hakbang upang maiwasan ang mga susunod na aksidente.