--Ads--
Muling magsusuot ng TNT Tropang 5G jersey si Rahlir Hollis-Jefferson matapos siyang kuning kapalit ng import na si Darius Days para sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
Si Rahlir ay kapatid ng resident import ng TNT na si Rondae Hollis-Jefferson, na patuloy pang nagpapagaling mula sa Achilles injury.
Pinalitan niya si Days, na nagtala ng average na 16 puntos at 4.5 rebounds sa apat na laro bago tuluyang bitawan ng koponan.
Ayon kay TNT head coach Chot Reyes, hindi na maayos ang kondisyon ni Days at nakaapekto ito sa laro ng kanilang mga lokal na manlalaro.
--Ads--
Nasa bansa na si Rahlir at inaasahang magde-debut muli para sa Tropang 5G sa kanilang laban kontra San Miguel Beermen sa Sabado.







