--Ads--
Nalusutan ng TNT Tropang 5G ang hamon ng guest team na Macau, 119-112, sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ng import na si Bol Bol ang tagumpay sa pamamagitan ng 37 puntos at 14 rebounds, habang selyado naman ang panalo dahil sa krusyal na free throws ni Jordan Heading sa huling bahagi ng laro.
Dahil sa tagumpay na ito, umangat ang record ng tropa ni coach Chot Reyes sa 6-3 at nakabawi mula sa huling pagkatalo.
Samantala, nalaglag naman sa 1-8 ang karta ng Black Knights matapos mabigong makahabol sa huling segundo.
--Ads--
Sa kabilang banda, pinalitan naman ng Converge ang kanilang import na si Kylor Kelley ni Donovan Smith upang buhayin ang kanilang tsansa para sa quarterfinals.






