--Ads--

Naantala dahil sa masamang panahon ang championship match ng DC Open sa pagitan ng Filipina tennis star na si Alex Eala at defending champion na si Jessica Pegula sa Washington, D.C.

Orihinal na nakatakdang magsimula alas-12 ng madaling araw (oras sa Pilipinas) ang laban nitong Lunes ngunit naurong ito hanggang alas-3 ng madaling araw dahil sa malakas na ulan at pagkulog sa lugar.

Nang maipagpatuloy ang laro, nakalamang si Pegula sa iskor na 6-4, 2-1 bago muling ihinto ang laban bandang alas-4 ng madaling araw dahil sa nagpapatuloy na masamang panahon.

Ayon sa mga organizer ng torneo, suspendido muna ang laro dahil sa ulan at hindi ito maipagpapatuloy bago mag-alas-5 ng hapon (EST) sa Washington.

--Ads--

Sa pinakahuling tala, hawak ni Pegula ang bentahe laban kay Eala habang hinihintay ang pagpapatuloy ng laban.

Inaasahan namang magpapatuloy ang finals alas-6:30 ng umaga (oras sa Pilipinas).