--Ads--

Gumawa ng kasaysayan si Filipina tennis star Alex Eala matapos masungkit ang kanyang unang WTA Tour-level singles title sa bisa ng come-from-behind victory laban kay world no. 3 Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open sa Washington, D.C.

Matapos maantala ng masamang panahon ang laban, matagumpay na nakabawi si Eala mula sa pagkatalo sa unang set upang talunin si Pegula sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.

Nang itigil ang laro dahil sa ulan noong Linggo, hawak ni Pegula ang unang set habang lamang naman si Eala, 2-1, sa ikalawang set. Sa pagpapatuloy ng laban, ipinakita ng 21-anyos na Pinay ang matinding determinasyon upang kontrolin ang natitirang bahagi ng finals.

Sa kanyang tagumpay, naging kauna-unahang Pilipinong manlalaro si Eala na nagkampeon sa isang WTA Tour-level singles event.

--Ads--

Naitala rin ni Eala ang kanyang ikalimang sunod na panalo laban sa isang top-10 player ngayong taon, patunay ng kanyang patuloy na pag-angat sa mundo ng propesyonal na tennis.

Dahil sa panalo, inaasahang maaabot ni Eala ang pinakamataas na ranking sa kanyang karera habang naghahanda para sa mga susunod na torneo bago ang US Open.