Muling itinaas ng PAGASA ang Yellow Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw at inaasahang mananatili hanggang bukas, Agosto 14, 2026.
Dulot ito ng patuloy na pag-iral ng southwest monsoon o habagat at ng mga localized thunderstorm. Ayon sa state weather bureau, maaaring magdulot ang mga pag-ulan ng pagbaha o magpalala sa mga umiiral nang pagbaha sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang:
Metro Manila
Cavite
Bataan
Zambales
Batangas (Laurel, Lemery, Calaca, Balayan, Tuy, Nasugbu, Lian at Calatagan)
Bulacan (Obando, Bulakan, Malolos, Hagonoy at Paombong)
Pampanga (Floridablanca, Lubao, Sasmuan, Macabebe at Masantol)
Samantala, inaasahan din ang light to moderate, at paminsan-minsang heavy rains sa Laguna, Tarlac, Rizal, Nueva Ecija, Quezon, at iba pang bahagi ng Pampanga, Bulacan, at Batangas.
Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy ang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa loob ng tatlong oras o higit pa.











