--Ads--

Isang lalaki sa China ang nagtala ng bagong Guinness World Record matapos mapagulong ang 33 hula hoops sa kanyang katawan habang nakabitin nang pabaligtad.

Si Yan Yanjia ay isinabit nang pabaligtad sa isang playground equipment sa Guilin, Guangxi, China, habang tinulungan naman siya ng dalawang kaibigan na isuot ang mga hula hoop mula ulo hanggang balakang.

Nagawa ni Yanjia na panatilihing umiikot ang lahat ng hula hoops sa itinakdang oras ng Guinness World Records kaya nakuha niya ang titulo para sa pinakamaraming hula hoops na napaikot habang nakabitin nang pabaligtad.

Nalampasan niya ng sampung hula hoops ang naunang rekord.

--Ads--

Ayon kay Yanjia, nagsimula siyang mag-hula hoop walong taon na ang nakalipas bilang paraan upang magbawas ng timbang.

Sa ngayon, target naman ni Yanjia na mabasag ang panibagong rekord sa pagpapaiikot ng hula hoops habang nagsasagawa ng pull-ups.