--Ads--

Nagtala umano ng bagong Guinness World Record ang China matapos sabay-sabay na sumayaw ang 151 humanoid robots sa isang synchronized dance performance.

Sa naturang pagtatanghal, sabay-sabay na isinagawa ng mga robot ang magkakasunod na dance movements na nangangailangan ng maayos na koordinasyon, tamang tiyempo at kontrol sa kanilang mga galaw.

Ipinakita rin nito ang pag-unlad ng China sa larangan ng robotics, artificial intelligence o AI, at motion control technology, na ginagamit upang mapahusay ang kakayahan ng mga humanoid robot na kumilos na tila tao.

Patuloy na pinauunlad ng China ang naturang teknolohiya upang makapagsagawa ang mga robot ng mas komplikadong kilos at gawain na maaaring magamit sa iba’t ibang industriya at pang-araw-araw na aktibidad.

--Ads--

Ang naturang pagtatanghal ay isa ring pagpapakita ng lumalawak na kakayahan ng bansa sa humanoid robotics at sa paggamit ng makabagong teknolohiya.