--Ads--

Umabante sa fourth round ng Cincinnati Open si world no. 1 Aryna Sabalenka matapos talunin si Wang Xinyu ng China, 6-1, 6-3.

Mabilis na dominado ni Sabalenka ang laban matapos makuha ang unang set sa loob lamang ng 20 minuto. Nagpatuloy ang kanyang agresibong laro sa second set at tinapos ang laban sa loob ng 54 minuto.

Ito na ang ika-45 sunod na panalo ni Sabalenka sa Masters 1000 level. Sa fourth round, makakaharap niya si Czech player Sara Bejlek na nagmula sa panalo kontra Ekaterina Alexandrova.

Samantala, umabante rin sina fourth seed Coco Gauff at fifth seed Mirra Andreeva matapos talunin sina Ann Li at Janice Tjen. Hindi naman nakalaro si eighth seed Elina Svitolina matapos umatras dahil sa ankle injury.

--Ads--