Nakasiguro ng puwesto sa ikatlong round ng Cincinnati Open si world no. 1 Aryna Sabalenka matapos pataubin si Talia Gibson ng Australia, 6-2, 7-6(2), sa isang mahigpit na laban sa Mason, Ohio.
Kinailangan ni Sabalenka ang anim na match points bago tuluyang maisara ang laban matapos mailigtas ni Gibson ang limang pagkakataon sa ikalawang set. Sa kabila nito, nanaig pa rin ang Belarusian upang makausad sa susunod na yugto ng torneo.
Kasabay ni Sabalenka na umabante sina Australian Open champion Elena Rybakina at French Open winner Mirra Andreeva. Tinalo ni Rybakina si Taylor Townsend, 6-3, 6-4, habang dinomina naman ni Andreeva si Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-0.
Samantala, nakalusot din sa third round si defending champion Iga Swiatek matapos talunin si Emiliana Arango, 6-3, 6-0, habang nagtala ng malaking upset si Jaime Faria ng Portugal laban sa world no. 6 na si Ben Shelton, 6-4, 6-4.










