--Ads--
Inako ng aktor na si Niño Muhlach ang personal at legal na responsibilidad sa aksidenteng kinasangkutan niya sa Marcos Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City nitong Linggo ng hapon.
Batay sa paunang ulat, nawalan umano ng kontrol si Muhlach sa kaniyang SUV matapos makaidlip habang nagmamaneho, dahilan upang sumalpok ito sa gutter at ilang establisyimento.
Sinabi ni Muhlach na humihingi siya ng paumanhin sa rider na nasugatan at sa iba pang naapektuhan ng insidente.
Sinagot din umano ng aktor ang pagpapagamot sa rider at nakipag-ayos sa mga may-ari ng mga napinsalang establisyimento.
--Ads--
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.











