Makakaharap ng Filipino tennis ace na si Alexandra “Alex” Eala ang kaniyang malapit na kaibigan at kapwa WTA Tour player na si Iva Jovic sa “Stars of the Open” exhibition match ng US Open.
Gaganapin ang laban sa Arthur Ashe Stadium sa Flushing Meadows, New York, alas-6 ng gabi nitong Huwebes, Agosto 27, oras sa New York, o alas-6 ng umaga ngayong Biyernes, Agosto 28, oras sa Pilipinas.
Ito ang magiging huling laban ni Eala bago ang singles main draw ng US Open na nakatakdang idaos mula Agosto 30 hanggang Setyembre 13.
Nauna nang sumabak si Eala sa mixed doubles kasama si Felix Auger-Aliassime nitong Martes ng gabi.
Nabigo ang Filipino-Canadian tandem kontra sa mag-asawang Ukrainian Elina Svitolina at Frenchman Gael Monfils, 1-4, 1-4, sa unang round.











