Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa mapaminsalang pagbaha sa Nepal matapos iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority o NDRRMA na umabot na sa 626 ang kumpirmadong namatay habang 2,426 naman ang nawawala.
Mas mataas ito kumpara sa naunang ulat ng Nepal Police na nagtala ng 616 na nasawi at 1,924 na nawawalang indibidwal.
Samantala, sinabi ng mga opisyal sa Chitwan District na sa 233 bangkay na kanilang narekober, apat pa lamang ang positibong nakilala dahil karamihan sa mga labi ay nasa advanced state of decomposition.
Ayon sa mga awtoridad, ang natitirang 229 na bangkay ay pansamantalang inilalagak sa mga holding center at pasilidad pangkalusugan habang nagpapatuloy ang pagkuha at pagsusuri ng DNA samples upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.









