--Ads--

Natagpuan sa ilog sa Maharajganj district, India ang bangkay ng apat na indibidwal na iniulat na nawawala matapos ang pagbaha sa Bhotekoshi River sa Nepal.

Ayon kay Madan Thapa, deputy superintendent of police ng District Police Office sa Nawalparasi West, isinuko ng Indian police sa Nepal Police nitong Linggo ang mga narekober na bangkay.

Dinala ang mga labi sa Prithvi Chandra Hospital sa Parasi para sa identification.

Samantala, nasa 54 na bangkay at 28 human remains na ang narekober ng mga awtoridad sa Nawalparasi West sa mga pampang ng Narayani River matapos ang pagbaha.

--Ads--

Inihahanda na rin ang DNA testing sa mga narekober na labi upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang mga labi na hindi makikilala o hindi maaangkin ng mga kaanak ay ililibing sa isang hukay sa Mulpani Community Forest sa Sunwal Municipality.