--Ads--

Malaki ang naging papel ng climate change sa pagguho ng bahagi ng bundok at glacier sa hangganan ng China at Nepal noong Agosto 26, na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkamatay ng mahigit 1,400 katao, ayon sa mga siyentista.

Ayon sa World Weather Attribution o WWA, kombinasyon ng patuloy na pag-init ng klima, pag-urong ng glacier, pagkatunaw ng permafrost at geological instability ang nagpalala sa sakuna.

Bumagsak ang malaking bahagi ng bato at glacier mula sa Langtang Lirung mountain at naging rumaragasang halo ng tubig, yelo, bato at debris patungo sa mga komunidad sa ibaba.

Naitala rin ang Hulyo at Agosto 2026 bilang pinakamainit na mga buwan sa lugar, na nagdulot ng mas matagal na exposure ng yelo at permafrost sa init at posibleng nagpahina sa mga dalisdis ng bundok.

--Ads--

Samantala, umabot na sa 1,446 ang nasawi at 6,669 ang nawawala sa China at Nepal. Tinatayang $4.78 bilyon naman ang kakailanganin ng Nepal para sa reconstruction.