Pansamantalang kinabahan ang ilang fans ni Paulo Avelino matapos niyang pabirong ipahayag na aalis muna siya sa showbiz upang magtuon ng oras sa online gaming.
Sa isang post, sinabi ng aktor na epektibo sa Oktubre 31 ay iiwan muna niya ang kanyang mga pelikula, teleserye at endorsement para pagtuunan ng pansin ang mga inaabangang video game releases.
Kabilang sa binanggit ni Avelino ang GTA 6 at Path of Exile 2, na ayon sa kanya ay nangangailangan ng kanyang buong atensyon.
Nakisakay naman sa biro sina Carlo Aquino at Khalil Ramos, na pabirong nagsabing kailangan din nilang maglaan ng oras para sa mga naturang laro.
Samantala, nakatakda pa ring mapabilang si Avelino sa dalawang proyekto kasama ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu, ang “Kopino” at “A Perfect Marriage.”









