Opisyal nang nag-withdraw ang dating National University (NU) standout na si Alyssa Solomon sa nalalapit na Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 3.
Ayon sa kanyang pamunuan, ang Hustle and Groove Management, hindi muna papasok sa propesyonal na liga sa bansa ang paboritong top pick overall upang bigyang-daan ang kanyang paglalaro sa Alas Pilipinas national team para sa mga darating na international tournaments.
Bago ang sorpresang desisyon, sumalang pa si Solomon sa PVL Draft Combine kung saan nakatutok sa kanya ang lahat ng koponan, partikular ang Galeries Tower na may-ari ng No. 1 pick. Maliban sa national team, may mga ulat ding posibleng bumalik sa ibang bansa si Solomon matapos makapagtala ng impresibong laro para sa Osaka Marvelous sa Japan SV. League, kung saan tinulungan niya ang koponan na umabot sa finals ng 2025-2026 season







