--Ads--

Iginiit ni Isabela Vice Governor Francis Faustino “Kiko” Dy na may mga programa ang pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa mababang presyo ng palay at mataas na production cost.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Vice Governor Dy na nauunawaan ng pamahalaan ang hinaing ng mga magsasaka dahil sa mahal na abono, krudo, labor, pagpapatuyo at transportasyon ng palay.

Ayon sa kanya, itinakda ng NFA ang ₱21 kada kilo na minimum buying price para sa basang palay, na maaaring maging alternatibong bentahan ng mga magsasaka, bagama’t limitado ang kakayahan nitong bumili ng palay.

Samantala, mayroon din umanong programa ang Provincial Government of Isabela na bumibili ng palay at ginagawa itong bigas para ipamahagi sa mga nangangailangan.

--Ads--

Binanggit din ng bise gobernador ang mga programa ng Department of Agriculture (DA) para sa binhi, abono, makinarya at patubig upang mapababa ang gastos sa produksyon.

Giit ng opisyal, mas mababang gastos at mas magandang presyo ng palay ang kailangan upang mas mapataas ang kita ng mga magsasaka, at tiniyak niyang patuloy silang gagawa ng paraan upang matugunan ang kanilang mga hinaing.