Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang National Most Wanted Person na kabilang sa Top 7 Most Wanted Persons na may ₱50,000.00 reward sa ilalim ng programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos ang isang malawakang manhunt operation sa Brgy. Nuro Poblacion, Upi, Maguindanao, noong Setyembre 2, 2026.
Kinilala ang naarestong akusado sa alyas na “Rick,” 71 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Bagutari, San Tomas, Isabela, at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Nuro Poblacion, Upi, Maguindanao.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder, na may petsang noong Agosto 28, 2026. Kaugnay ito ng kasong Multiple Murder, ay walang inirekomendang piyansa.
Ang akusado ay kabilang sa mga Most Wanted Persons na may nakalaang ₱50,000.00 reward, alinsunod sa mga umiiral na Memorandum Circulars ng DILG, at nakapaloob sa Target Intelligence Package ng CIDG Isabela PFU at Intelligence Packet ng RIU2–PIT Isabela East.
Ang naarestong akusado ay dinala sa CIDG Isabela PFU para sa kaukulang dokumentasyon at proper disposition bago i-turnover sa korte na nagpalabas ng Warrant of Arrest.











