--Ads--

Natapos ang kampanya ni Alex Eala sa 2026 US Open matapos siyang mabigo kay American tennis player Iva Jovic sa isang mahigpit na tatlong set na laban sa Arthur Ashe Stadium sa New York.

Yumuko si Eala kay Jovic sa iskor na 5-7, 6-3, 5-7 sa Round of 32 matapos ang mahigit tatlong oras na bakbakan sa court.

Nahirapan sa simula ang Filipina tennis star at naiwan ng 1-4 sa unang set bago nakabawi upang maitabla ang laban. Gayunman, nakuha pa rin ni Jovic ang unang set, 7-5.

Bumawi si Eala sa ikalawang set at naipanalo ito sa iskor na 6-3 upang maitulak ang laban sa deciding set.

--Ads--

Sa ikatlong set, umabot sa 4-2 ang kalamangan ni Eala at malapit nang makapasok sa susunod na round. Ngunit nakabangon si Jovic at tuluyang naselyuhan ang panalo sa huling laro ng laban.

Gayunman, hindi rito nagtatapos ang kampanya ni Eala ngayong taon.

Nakatuon na ang Filipina tennis ace sa WTA 500 Singapore Tennis Open na nakatakda sa huling bahagi ng Setyembre, kung saan makakasama niya sa star-studded field sina Mirra Andreeva, Amanda Anisimova, Jessica Pegula at Donna Vekic.

Inaasahan din ang paglahok ni Eala sa nalalapit na Asian Games sa Japan bilang bahagi ng Philippine national team.Layunin niyang malampasan ang kanyang naging performance sa nakaraang edisyon ng Asian Games, kung saan nakakuha siya ng dalawang bronze medal sa women’s singles at mixed doubles.