Mas naging maingat at makabuluhan na ngayon ang approach ni Ylona Garcia sa paggawa ng musika, kumpara noong mas bata pa siya na nakatuon lamang sa paggawa ng kantang maganda pakinggan at magugustuhan ng mga tagapakinig.
Ayon kay Ylona, mas isinasangkot na niya ngayon ang kanyang pananampalataya sa pagsusulat at pinag-iisipang mabuti kung ang mensahe ng kanyang mga kanta ay karapat-dapat niyang ibahagi sa publiko.
Sinabi rin ng singer na hindi na siya nagmamadaling gumawa ng kantang maaaring maging hit, kundi binibigyan na niya ito ng sapat na panahon upang mabuo at magkaroon ng epekto sa mga tao.
Bilang bahagi ng kanyang 10th anniversary sa industriya, ilalabas ni Ylona ang isang live album na naglalaman ng siyam na reimagined tracks, bago sundan ng kanyang matagal nang hinihintay na second EP.





