--Ads--

Umalma si Brent Manalo sa batikos na natanggap niya matapos ang biruan nila ni Darren Espanto sa isang segment ng isang sikat na noontime show.

Sa isang social media post, humingi si Brent Manalo ng kaunting pang-unawa at sinabing ilang buwan na niyang tinitiis ang mga batikos habang patuloy na nagtatrabaho nang matiwasay.

Nilinaw din niyang pinaghirapan niya ang mga oportunidad na natatanggap ngayon at hinihiling na huwag siyang pigilan sa trabahong ipinagkakatiwala sa kanya.

Aminado rin si Brent Manalo na naging kontrobersyal ang kanyang pagkapanalo sa isang sikat na reailty show kasama ang kanyang ka-duo na si Mika Salamanca, ngunit sinabi niyang natuto siya sa kanyang mga pagkakamali at nais nang magpatuloy sa buhay nang walang tinatapakang tao.

--Ads--