--Ads--

Kinatawan ni Lotlot de Leon ang Pilipinas sa 51st Toronto International Film Festival o TIFF sa pamamagitan ng pelikulang Silenced Nights.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang pagmamalaki matapos mapabilang ang pelikula sa Platform Programme, ang competitive section ng TIFF para sa mga pelikulang may natatanging directorial vision.

Ang Silenced Nights ay idinireksyon ni Lawrence Fajardo at tampok din sina Nico Antonio, Ina Feleo, Tanya Gomez, Joel Saracho at Dylan Ray Talon.

Tungkol ang pelikula sa isang saksi sa extrajudicial killing sa isang slum area sa Pilipinas na naghahangad na ilantad ang katotohanan.

--Ads--

Ginaganap ang TIFF mula Setyembre 10 hanggang 20 sa Toronto, Canada.