--Ads--

Pansamantalang inilikas ang mga sakay ng special train na kinabibilangan ni dating British Prime Minister Boris Johnson matapos ang banta ng drone attack malapit sa border ng Ukraine at Poland.

Galing sa security conference sa Kyiv ang grupo at bumiyahe patungong Poland nang marinig ang alerto dakong alas-5 ng madaling araw.

Ayon sa dating Swedish Prime Minister na si Carl Bildt, ang tren na kasunod ng kanilang sinasakyan ang tinamaan ng Russian drone malapit sa border. Agad umanong inilikas ang mga pasahero at walang nasugatan.

May 206 na pasahero umano ang sakay ng apektadong tren, ayon sa Ukrainian railway authorities.

--Ads--