--Ads--
Limang indibidwal ang nasawi habang 14 naman ang sugatan kaugnay ng mga insidenteng naitala sa isinagawang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Sa kabila nito, sinabi ni Commission on Elections o Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na maituturing pa ring generally peaceful ang halalan dahil isolated incidents lamang umano ang mga naganap.
Ayon kay Laudiangco, isa rin sa indikasyon ng maayos na halalan ang mataas na voter turnout, na nagpapakita umano ng kagustuhan ng mga botante sa Bangsamoro na makapili ng kanilang mga kinatawan.











