--Ads--

Walang idineklarang shares of stock si Vice President Sara Duterte sa mga negosyong siya at asawang si Manases Carpio ay may pagmamay-ari o interes, batay sa ilang SALN mula 2007 hanggang 2025.

Ayon kay Ombudsman Central Records Division lawyer Karen Batu, walang nakatalang shares of stock si Duterte sa kanyang SALN noong 2007, 2009 hanggang 2012, at 2016 hanggang 2025.

Bahagi ito ng testimonya ni Batu sa impeachment trial ni Duterte kaugnay ng alegasyon ng hindi buong pagdedeklara ng kanilang mga ari-arian at business interests.

Samantala, sinabi ng prosecution na dapat ideklara sa SALN ang shares of stock bilang personal property, habang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na posibleng naapektuhan ang halaga ng net worth ni Duterte dahil hindi nakasaad ang halaga ng kanyang shares.

--Ads--