--Ads--
Ibinahagi ni veteran rapper Gloc-9 kung paano nakaimpluwensya ang kaniyang mga karanasan at pamilya sa mga kantang tumatalakay sa buhay at kalagayan ng mga Pilipino.
Malaki umano ang naging epekto sa kaniya ng karanasan ng kaniyang ama bilang OFW, lalo na ang mga sulat at voice recording nito tungkol sa mga pagsubok ng mga migranteng manggagawa.
Naging inspirasyon din niya si Francis Magalona, habang isinulat naman niya ang kaniyang iconic song na “Upuan” noong nag-aaral siya ng nursing.
Inilabas ang “Upuan” noong 2009 at patuloy na ginagamit sa social media, kabilang sa mga post tungkol sa mga hinaing ng publiko kaugnay ng pagbaha.
--Ads--
Kamakailan, naglabas si Gloc-9 ng acoustic live version ng “Upuan” kasama si Lirah Bermude.





