--Ads--

Naglunsad ng proyekto ang Gamu Police Station para sa pagpapalakas ng sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga residente at mga awtoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Joel Bumanglag, Chief of Police ng Gamu Police Station, sinabi nito na ang naturang proyekto na inilunsad noong ika-8 ng Setyembre ay tinawag na Project GALANZA o  Good Governance and Allies of Law Enforcement Agencies through Inter-Town Communications as New Approach Geared Towards Zeal of Achievement Leading to Peace and Order.

Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng two-way radio communication equipment na na ginagamitan ng cellular data upang mas malayo ang coverage nito, kahit saan mang panig ng Pilipinas.

Ang pinaka-base nito sa ay PNP at interconnected sa bawat barangay, rescue, at Bureau of Fire Protection.

--Ads--

Ang PNP ang incharge sa hourly monitoring, situation report, at tagatanggap ng mga ulat mula sa barangay.

Ayon kay PMaj. Bumanglag, kapag may nag-ulat sa PNP gamit ang radio ay agad na itong naririnig ng mga concerned agencies na mas nagpapabilis sa pagresponde.

Simula nang mailunsad ang naturang proyekto, mas nabawasan umano ang krimen sa kanilang nasasakupan dahil na rin sa aktibong pakikipag-ugnayan ng komunidad at barangay sa mga awtoridad sa pamamagitan ng Project GALANZA.

Samantala, nakatakda namang maglunsad ang Gamu Police Station ng 24/7 Gamu Anti-criminality kung saan lahat ng mga business establishments na 24/7 ang operation ay makakabilang sa isang group chat na kabilang ang PNP.

Sa naturang group chat iuulat ang mga napapansing kahina-hinalang personalidad na umaaligid sa  kanilang establisyimento sa pamamagitan ng pagpapadala ng larawan o video ng suspicious-looking personalities upang maalerto ang mga awtoridad.

Sa pamamagitan nito ay naaagapan ang mga krimen na maaaring maitala sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kabilang din sa pro-active approach ng kapulisan ngayong Ber months.