Inilunsad ang Cauayan City Travel and Trade Fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Tourism Month 2026, na nagsilbing pagkakataon para sa mga Hospitality and Tourism students na magkaroon ng aktuwal na karanasan sa larangan ng turismo.
Tampok sa aktibidad ang travel offers, handicrafts, lokal na delicacies, musika at iba pang tourism activities na naglalayong itampok ang mga produkto at tourism offerings ng Cauayan City at Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mark Crisland Agustin, Tourism Student ng Isabela State University-Cauayan Campus, sinabi niyang nakatulong ang aktibidad upang mahasa ang kanilang communication skills at confidence sa pakikisalamuha sa ibang tao.
Dagdag ni Agustin, nakatulong din ang mga ganitong aktibidad upang madagdagan ang kanilang kaalaman, magkaroon ng aktuwal na karanasan sa tourism industry at mas maihanda ang kanilang sarili sa magiging trabaho sa hinaharap.
Mahalaga rin umano ang naturang mga aktibidad sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante at tourism stakeholders na magbahagi ng kaalaman at magkaroon ng mas malawak na exposure sa industriya.
Layunin ng National Tourism Month celebration na itampok ang tourism destinations, produkto at kultura ng mga lokal na komunidad, habang hinihikayat ang mga stakeholders at kabataan na makibahagi sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo.






