--Ads--

Hindi pa nakikitang babalik sa dating presyo ang mga produktong petrolyo sa bansa sa kabila ng mga ipinatupad na oil price hike, ayon sa Department of Energy o DOE.

Ayon sa Department of Energy (DOE), sa ngayon ay wala pa silang­ nakikitang indikasyon na maaaring bumalik ang presyo ng oil products­ sa pre-war levels lalo na at patuloy pa rin ang paglala ng tensiyon sa Gitnang Silangan, gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso.

Ipinaliwanag ni Ener­gy Secretary Sharon Garin na kung ang exchange rate at sitwasyon sa Gitnang Silangan ang pagbabatayan ay inaasahan nilang hindi pa bababa sa pre-war levels ang presyo ng langis.

Posible pa nga aniya na manatiling mataas ang presyo nito hanggang Pasko.

--Ads--

Matatandaang ilang linggo nang sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Kahapon lamang, muling nagpairal ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis, sanhi upang magkasa na naman ng panibagong transport strike ang ilang transport groups sa bansa.