--Ads--

Mananatiling miyembro ng Senate Minority Bloc si Senator Mark Villar sa kabila ng pagboto nito ng “Yes” upang baligtarin ang naunang ruling ni Senate President at presiding officer Chiz Escudero kaugnay ng 2/3 voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, mananatili sa minorya si Villar at hindi naman nila pinakikialaman ang naging boto ng bawat senator-judge.

Giit ni Cayetano, pagdating sa impeachment court ay walang majority o minority bloc dahil nagsisilbi ang mga senador bilang mga senator-judge.

Batid din umano niya na maaaring nakaapekto sa naging boto ng mga senator-judge ang mga opinyon ng mga inimbitahang amici curiae o mga eksperto na tumutulong sa korte sa mga usaping legal.

--Ads--

Dagdag pa ni Cayetano, patuloy na nagtutulungan ang mga senador sa minority bloc at wala namang sama ng loob o alitan sa kanilang mga miyembro.