--Ads--

Inilunsad ng Department of Labor and Employment o DOLE ang SkillPass, isang skills certification program para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD upang mapalawak ang kanilang oportunidad sa trabaho at pagsasanay.

Ayon sa DOLE, layunin ng SkillPass na maitala at ma-certify ang mga kasanayang natutunan ng mga benepisyaryo mula sa kanilang TUPAD engagement upang magamit sa paghahanap ng pormal na trabaho, pagtatayo ng maliit na negosyo, pag-aaplay sa ibang bansa o pagkuha ng karagdagang technical training.

Sinabi ng ahensya na ilalabas ang SkillPass certification sa loob ng 15 araw matapos ang TUPAD engagement at sasailalim din ang mga benepisyaryo sa profiling at job matching.

Kasabay nito, inilunsad din ng DOLE ang Trabahong-Dagat at Blue Enterprise Development program para sa mga manggagawa sa mga baybaying komunidad.

--Ads--

Saklaw ng programa ang mga rehistradong mangingisda, kanilang pamilya, coastal youth, first-time job seekers at mga nagtapos sa fisheries, maritime o TESDA courses.

Makikipagtulungan ang DOLE sa TESDA, PESO, BFAR, MARINA at Philippine Coast Guard sa pagpapatupad ng mga programa.