Hinimok ni Labor Secretary Francis Tolentino ang mga employer sa bansa na maagang ipamahagi ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado upang mapakinabangan ito bago ang Christmas rush.
Ayon kay Tolentino, bagama’t hanggang Disyembre 24 ang itinakdang deadline ng pagbibigay nito, mas mainam kung maipagkakaloob na ang benepisyo sa mga manggagawa sa lalong madaling panahon.
Samantala, sinabi ni Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luiz na karamihan sa kanilang mga miyembro ay naipamahagi na ang 13th month pay, bagama’t may ilang micro enterprises na nahihirapan pa.
Pinaalalahanan din ni Tolentino ang mga manggagawa na gamitin nang wasto ang kanilang matatanggap para sa pangangailangan ng pamilya. Maaari namang tumawag sa DOLE hotline 1530 ang mga may reklamo kaugnay ng hindi pagbibigay ng 13th month pay.











